Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Karagatang Pasipiko

Ang Karagatang Pasipiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando Magallanes eksplorador na Portugues sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot (sea level).

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

Mount Canlaon.JPG
  • Pandemya ng coronavirus noong 2020 sa Pilipinas: Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kuwarantina ng pamayanan o "community quarantine" ng Kalakhang Maynila, Pilipinas, na pinapatupad ang mga restriksyon sa paglalakbay paloob at palabas ng Kalakhang Maynila.
  • Inakayat ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya ang katayuang alerto para sa Bulkang Kanlaon (nakalarawan) mula sa Antas Alerto 0 sa Antas Alerto 1 dahil sa pagpapakita ng di-normal na kondisyon.
  • Black Monday (2020): Bumagsak ang bond market sa unang pagkakataon simula noong pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2008-2009 na ang stock at mga bond market ay gumalaw sa parehong direksyon, pinapahiwatig ang malaki at mabigat na pagbenta ng mga portpolyo habang ang mga namumuhunan ay naghahanap ng salapi.
  • Pandemya ng coronavirus ng 2019–20: Opisyal na inihayag ng World Health Organization na isang pandemya ang pagsiklab ng COVID-19.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
    • ... na ang Kaesong, Hilagang Korea ay ang tanging lungsod na nagbago ang mayhawak kasunod ng Kasunduan ng Armistisyo ng Korea noong 1953?
    • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
    • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
    • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
    • ... na binago ang pangalan ng kabisera ng Kazakhstan sa Nur-Sultan mula sa dating Astana noong Marso 2019?

    Walang pang nakatala para sa araw na ito. Magdagdag?

    Ngayon ay Marso 15, 2020 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)