Nikon
Ang Nikon Corporation (株式会社ニコン Kabushiki-gaisha Nikon) (NK /ˈnɪkɒn/ o EU /ˈnaɪkɒn/; ⓘ[nikoɴ]), kilala din bilang Nikon lamang, ay isang Hapon na korporasyong multinasyunal na nakabase sa Tokyo, Hapon na espesyalista sa optika at mga produktong pampotograpiya. Kabilang sa mga produkto ng Nikon ang mga kamera, lente ng kamera, largabista, mikroskopyo, mga lente para sa mata, mga instrumentong pansukat, teleskopyong pangbaril, teleskopyong panmanman, at mga kagamitang kaugnay ng paggawa ng semikonduktor, gaya ng mga stepper na ginagamit sa mga hakbang ng potolitograpiya sa naturang proseso ng pagmamanupaktura.[1]
Mula noong Hulyo 2024, matatagpuan ang punong himpilan ng Nikon sa Nishi-Ōi, Shinagawa, Tokyo, kung saan naroon na rin ang pabrika nito mula pa noong 1918.
Ayon sa ulat noong 2017, ang kompanya ang ikawalong pinakamalaking tagagawa ng kagamitang ginagamit sa industriya ng chip.[2] Nagpalawak din ito ng negosyo sa mga bagong larangan tulad ng pag-print ng 3D at medisinang reheneratibo upang matugunan ang patuloy na pagliit ng pamilihan para sa mga dihital na kamera.[3][4][5][6]
Kabilang sa mga pinakakilalang linya ng produkto ng Nikon ang mga Nikkor na lente para sa potograpiya (para sa mga kamerang may F-mount, malaking pormat ng potograpiya, mga pampalaking pampotograpiya, at iba pang gamit), ang Nikon F-series ng mga 35 mm na film SLR na kamera, ang Nikon D-series ng mga dihital na SLR na kamera, ang Nikon Z-series ng mga dihital na mirrorless o walang salamin na kamera, ang Coolpix na serye ng mga kompak na dihital na kamera, at ang Nikonos na serye ng mga kamerang de-pelikula o film camera para sa potograpiyang nasa ilalim ng tubig.
Kabilang sa mga pangunahing kakompetensiya ng Nikon sa paggawa ng mga kamera at lente ang Canon, Sony, Fujifilm, Panasonic, Pentax, at Olympus.
Itinatag ang kompanya noong Hulyo 25, 1917 bilang Nippon Kōgaku Kōgyō Kabushikigaisha (日本光学工業株式会社 "Japan Optical Industries Co., Ltd."). Noong 1988, pinalitan ang pangalan nito at naging Nikon Corporation, batay sa tatak ng mga kamera nito. Mula pa noong hindi bababa sa 2022, kabilang ang Nikon sa pangkat ng mga kompanya ng Mitsubishi (keiretsu).[7]
Noong Marso 7, 2024, inanunsyo ng Nikon ang pagkuha nito sa Red Digital Cinema.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Analyst: Top IC suppliers remain largely unchanged 2007". Solid State Technology (sa wikang Ingles). Electro IQ. 2008-05-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-20. Nakuha noong 2010-02-05.
- ↑ "Nikon files patent case against ASML, Carl Zeiss over lithography tech". Reuters (sa wikang Ingles). 24 Abr 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 24, 2017. Nakuha noong 24 Abril 2017.
- ↑ "Nikon reports its Imaging Business revenue dropped nearly 18% year-over-year". DPReview (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-07-23.
- ↑ "Nikon | News | Announcement of obtaining a license for manufacturing regenerative medicine products by Nikon CeLL innovation Co., Ltd". www.nikon.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-07-23.
- ↑ "Nikon | News | Nikon releases the optical processing machine "Lasermeister 100A"". www.nikon.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-07-23.
- ↑ "Nikon Corporation Healthcare Business Unit". www.healthcare.nikon.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-07-23.
- ↑ "Company Profile: Nikon Corporation | mitsubishi.com". www.mitsubishi.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-06-29. Nakuha noong 2025-08-03.
- ↑ "Nikon to Acquire US Cinema Camera Manufacturer RED.com, LLC | News | Nikon About Us". www.nikon.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-08.