Pumunta sa nilalaman

Matinis na katinig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa ponetika, matínis na katínig o sibilánte ang tawag sa isang grupo ng mga katinig na pasutsot at pasara-sutsot na may tunog na parang sumisipol o sumisitsit.[1] Sa wikang Tagalog, ito ang mga tunog na [s ʃ] kagaya sa sinta o pasya gayundin sa [z] sa mga salitang hiram tulad ng zoo. Natutukoy ang mga matitinis na katinig sa tunog nito na mas mataas ang kalidad kumpara sa ibang mga kauri nito, at madalas magamit sa paralingguwistika bilang pantawag ng pansin (hal. psst! kapag may tinatawag o shh! kung may pinapatahimik).

Mga katinig sa harapan ang mga matitinis na katinig; ibig sabihin, nabubuo sila sa harapang bahagi ng dila. Naitatangi sila sa isa't isa batay sa hugis ng dila, lugar ng artikulasyon, at kung saang bahagi ng dila ang tumama sa itaas na bahagi ng bibig. Nahahati ang mga ito sa dalawa: mga pasitsit (hissing) na nabubuo mula sa pagkitid ng lagusan ng hangin sa bibig dahil sa pag-ipit ng dila sa paleta na nagreresulta sa isang mas malakas na tunog, at mga tahimik (hushing) na nabubuo naman mula sa pagpatag ng dila na nagreresulta sa isang mahinang tunog.[2] Kabilang ang mga matitinis na katinig sa mga matutúlis na katínig o estridénte, na kinabibilangan din ng mga pasutsot na [f v]; itinuturing ng ilang mga lingwista tulad nina Noam Chomsky at Morris Halle ang dalawang ito bilang bahagi din ng mga matitinis na katinig, bagamat hindi ito ang opinyon ng nakakarami sa larangan.[1]

Pangunahing ginagamit bilang pantangi sa mga matitinis na katinig ang hugis ng dila. Nakadepende sa hugis ng dila ang magiging tunog ng isang katinig, na agad na maitatangi kahit sa parehong mga wika. Makikita sa talahanayan ang mga kinikilalang hugis ng dila sa lingguwistika, nakaayos mula sa pinakamatinis pababa.

Lugar ng artikulasyonHugis ng dilaTindi ng palatalisasyonHalimbawaPaliwanag
Gilagidkaliwa–pakanan nakalubogwala[s z]Nakalubog ang dila. Dahil dito, lumalabas ang hangin nang may puwersa at nagreresulta sa isang matinis na tunog na parang sumisipol.[3] Isa ito sa mga pinakakaraniwang katinig dahil sa dali ng paggawa nito, kabilang na ang wikang Tagalog (hal. saya o zoo).
sekundaryo (paiba-iba) [sʲ zʲ] Pagsasama ng nakalubog na dila at palatalisasyon (dulot ng pag-angat o pagkurba ng gitna ng dila). Karaniwang maririnig ang mga tunog na ito sa mga wikang Eslabo kagaya ng wikang Ruso, kung saan may pagtatanging inilalarawan sa mga ito bilang "matigas" at "malambot".
Ngipin-gilagid wala [s̪ z̪] Pagsasama ng nakalubog na dila at dentalisasyon. Nabubuo ito sa pagtama ng dulo ng dila o parehong dulo at gitnang bahagi ng dila sa likurang bahagi ng itaas na ngipin, na nagreresulta sa isang malambot na tunog na maikukumpara sa th sa mga salitang Ingles na think ('mag-isip') o this ('ito'). Bihira lamang marinig ang tunog na ito sa mga wika, ngunit maririnig ito sa ilang dayalekto ng wikang Kastila sa rehiyon ng Andalucia at ilang mga katutubong wika sa katimugang California sa Estados Unidos.[4][5][6]
Gilagid-paleta makitid na nakaumbok (patusok) matindi ʑ] Nakaumbok ang dila ngunit makitid at may matinding palatalisasyon. Maririnig sa mga barayti ng wikang Tsino, gayundin sa wikang Ruso at Polako.
Paleta-gilagid malapad na nakaumbok (palungaw) katamtaman ʒ] Nakaumbok ang dila na parang lungaw, bahagya ang palatalisasyon. Maririnig sa wikang Tagalog sa mga salitang siya o tiyan (kung bibigkasin bilang sh at ch).
Dilang pulupot patag wala [ʂ̻ ʐ̻] Nabubuo sa pamamagitan ng nakaatras na dila, hindi pulupot, nakaangat sa paleta, o nakaumbok o nakalubog. Kumpara sa ibang mga kapares nito, hindi masyadong nakaatras ang mga ito at madalas na pinakapatag sa lahat ng mga katinig na pasitsit, bagamat maaari pa rin silang magkaroon ng bahagyang paglubog o pag-umbok.
harap-likod nakaumbok [ʂ̺ ʐ̺] Nabubuo sa pamamagitan ng bahagyang nakaumbok at nakaatras na dila at walang palatalisasyon. Bagamat nakaumbok, hindi gaano ang pagkakurba nito kumpara sa uri sa ibaba. Maaari silang magpakita ng belarisasyon (dahil sa lapit nito sa ngala-ngala) o magkaroon na tunog na mala-titik R.
ʐ] Matindi ang pagkaumbok at pag-atras ng dila sa puntong nakapulupot na ito at walang nagaganap na palatalisasyon. Dahil dito, ito ang pinakamahina sa mga katinig na pasitsit batay sa tinis. Maaaring magpakita ang mga ito ng antas ng belarisasyon, at halos malapit na ito sa tunog ng titik R.

Nasa talahanayan sa ibaba ang mga simbolong ginagamit para sa mga matitinis na katinig sa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto (IPA).

PangalanIPA Halimbawa
Wika Salita Kahulugan Bigkas
Katinig na pasutsot
Matinis na katinig na pasutsot sa ngipin Mandarin sān 'tatlo' [s̪a̋n]
Pranses zèbre 'sebra' [z̪ɛbʁ]
Matinis na katinig na pasutsot sa gilagid s Tagalog lasa [ˈlasɐ]
z Malay beza 'pagkakaiba' [bezə]
Matinis na katinig na pasutsot sa likurang gilagid ʃ Tagalog siya [ʃa]
ʒ Eslobako žena 'babae' [ʒena]
Matinis na katinig na pasutsot sa dilang pulupot ʂ Ukranyo шахи šahy 'ahedres' [ˈʂɑxɪ]
ʐ Polako żona 'asawang babae' [ˈʐ̻ɔn̪ä]
Katinig na pasara-sutsot
Matinis na katinig na pasara-sutsot sa ngipin t̪s̪ Unggaro cica 'kuting' [ˈt̻͡s̪it̻͡s̪ɒ]
d̪z̪ Latbiyano drudzis 'lagnat' [ˈd̪rud̻͡z̪is̪]
Matinis na katinig na pasara-sutsot sa gilagid ts Ingles (RP) tea 'tsaa' [ˈt͡sɪˑi̯]
dz Luksemberges spadséieren 'gumala' [ʃpɑˈd͡zɜ̝ɪ̯əʀən]
Matinis na katinig na pasara-sutsot sa likurang gilagid t̠ʃ Tagalog tsuper [t͡ʃʊˈpɛɾ]
d̠ʒ diyan [d͡ʒän]
Matinis na katinig na pasara-sutsot sa paleta Danes tjener 'tagasilbi' [ˈt͡ɕeːnɐ]
Katalan mitjà 'katamtaman' [mi(d)ˈd͡ʑä]
  1. 1 2 Ladefoged & Maddieson (1996), p. ?.
  2. "Sibilance - Definition and Examples of Sibilance" [Pagkatinis - Kahulugan at Halimbawa ng Pagkatinis]. Literary Devices (sa wikang Ingles). 14 Pebrero 2014. Nakuha noong 29 Hunyo 2021.
  3. Ladefoged & Maddieson (1996), pp. 145–148.
  4. Obaid (1973), p. ?.
  5. Dalbor (1980), p. ?.
  6. Bright (1978), p. ?.
  • Bright, William (1978), "Sibilants and naturalness in aboriginal California" [Mga katinig na pasitsit at ang pagiging likas nito sa aborihinal na California], Journal of California Anthropology, Papers in Linguistics (sa wikang Ingles), 1: 39–63
  • Catford, J. C. (1982) [1977]. Fundamental Problems in Phonetics [Mga Pangunahing Problema sa Ponetika] (sa wikang Ingles). Indiana University Press. ISBN 0-253-32520-X.
  • Dalbor, John B. (1980), "Observations on Present-Day Seseo and Ceceo in Southern Spain" [Mga Obserbasyon sa Kasalukuyang Seseo at Ceceo sa Katimugang Espanya], Hispania (sa wikang Ingles), 63 (1), American Association of Teachers of Spanish and Portuguese: 5–19, doi:10.2307/340806, JSTOR 340806
  • Hualde, José Ignacio (1991), Basque phonology [Ponolohiya ng wikang Basque] (sa wikang Ingles), London: Routledge, JSTOR 340806
  • Ladefoged, Peter; Maddieson, Ian (1996). The Sounds of the World's Languages [Ang mga Tunog ng mga Wika ng Mundo] (sa wikang Ingles). Oxford, Inglatera: Blackwell. ISBN 0-631-19815-6.
  • Obaid, Antonio H. (1973), "The Vagaries of the Spanish 'S'" [Mga Di-Inaasahan sa 'S' ng wikang Kastila], Hispania (sa wikang Ingles), 56 (1), American Association of Teachers of Spanish and Portuguese: 60–67, doi:10.2307/339038, JSTOR 339038
  • Shosted, Ryan K. (2006), Just put your lips together and blow? The whistled fricatives of Southern Bantu [Basta idikit mo lang ang mga labi mo saka buga? Ang mga sinisipol na katinig na pasutsot ng wikang Katimugang Bantu] (PDF) (sa wikang Ingles)