Alikabok

Ang alikabok[1][2] (Ingles: dust) ay mga maliliit ngunit buong mga bahagi ng dumi (Ingles: particle[2]) na matatagpuan sa kapaligiran. Tinatawag din itong abok, gabok, o alabok (o pinong lupa).
Sa Daigdig, kalimitang binubuo ito ng mga dumi sa atmospera na mula sa samot-saring mga pinanggagalingan tulad ng lupa na iniangat ng hangin (isang prosesong aeolian), mga pagputok ng bulkan, at polusyon. Binubuo ng humigit-kumulang 20-50% libag ang alikabok sa mga kabahayan.[3] Binubuo naman ng pailan-ilang mga mawo ng halaman, mga buhok ng tao, balahibo ng hayop, mga himaymay ng tela, mga himaymay ng papel, mga mineral mula sa lupa, mga dumi mula sa nasunog na taeng-bituin, at marami pang mga materyal mula sa pampook na kapaligiran ang nalalabing bahagdan ng mga alikabok sa bahay, pati na iyong nasa mga bayan at gusali.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Alikabok". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- 1 2 De Guzman, Maria Odulio (1968). "Alikabok". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
- ↑ van Bronswijk, J. E. M. H. (1981). House Dust Biology for Allergists, Acarologists and Mycologists. J. Bronswijk. p. 37. ISBN 978-90-275-3501-6. OCLC 9757081.
- ↑ Hess-Kosa, Kathleen (2002). Indoor air quality: sampling methodologies. Boca Raton, Florida: CRC Press. p. 216. ISBN 978-1-56670-539-4. OCLC 634141112.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.